DAVAO OCCIDENTAL — Isang magnitude 5.4 na lindol ang naitala sa karagatan malapit sa Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, Martes ng gabi, Setyembre 1.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan ng lindol na naganap dakong 9:22 p.m.
Naitala ang sentro nito 71 kilometro timog-silangan ng Balut Island at may lalim na 106 kilometro.
Unang iniulat ng PHIVOLCS sa automatic solution nito na magnitude 6.0 ang lindol bago ito nirebisa matapos ang pagsusuri ng datos. Sa paunang bulletin, sinabi rin ng ahensya na walang inaasahang pinsala o aftershocks.
Wala ring naiulat na pinsala kasunod ng pagyanig. Santi Celario