MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng mahigit ₱258 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 sa draw nitong Martes, Setyembre 1, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang nakataya sa winning combination na 32-25-23-22-01-41, kaya hindi naiuwi ang ₱258,474,543.62 na jackpot.
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49, na may winning combination na 45-22-41-08-36-02 at jackpot na ₱25,178,383.87.
Hindi rin tinamaan ang Lotto 6/42 combination na 17-24-08-33-37-01, kaya walang nakakuha ng ₱21,860,837.27 na jackpot.
Samantala, ang winning combination sa 6D Lotto ay 3-6-7-7-9-6. RNT