MANILA, Philippines – Nakakuha ng pinakamataas na iskor ang isang graduate ng Polytechnic College of Davao del Sur sa licensure examination para sa mga criminologist na ginanap noong nakaraang buwan.
Ayon sa Professional Regulation Commission o PRC, 16,952 sa 29,452 examinees ang pumasa sa pagsusulit na pinangunahan ng Board of Criminology sa 32 testing centers sa buong Pilipinas nitong Agosto.
Nakakuha ng iskor na 93.70% ang top scorer na si Jeb Jobet Remolleno Gabriel ng PCDS.
Habang ang mga top-performing schools ay ang mga sumusunod:
Araullo University — 298 sa 303 ang pumasa (98.35% passing rate)
King’s College of the Philippines-Benguet — 95 sa 102 ang pumasa (93.14% passing rate)
Tarlac State University at Araullo University-San Jose — parehong 100% passing rate (88 at 56 examinees)
Cavite State University (Don Severino Agricultural College) — lahat ng 47 examinees ay pumasa (100%)
Samantala, sinabi ng PRC na hinold muna ang resulta ng examination ng limang (5) examinees habang hinihintay ang pinal na pagdedesisyon sa kanilang pananagutan alinsunod sa mga alituntunin ng licensure examinations.