Home METRO P14-M tobats nasawata sa Maynila; durugista, huli

P14-M tobats nasawata sa Maynila; durugista, huli

3
0
(Image representation only)

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 33-anyos na drug suspect at nakumpiska ang mahigit dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P14.28 milyon sa isang buy-bust operation sa Ermita, Maynila nitong Lunes, Agosto 31.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek bilang si “George,” alias “Kapatid,” residente ng Navotas City.

Ayon kay MPD Chief Brig. Gen. Arnold Santiago, una umanong nakipagtransaksyon ang suspek sa katimugang bahagi ng Metro Manila bago lumipat sa Maynila, kung saan sinundan at inaresto siya ng mga operatiba ng MPD Drug Enforcement Unit.

Narekober sa operasyon ang dalawang kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P14.28 milyon, ayon kay Santiago.

Pinuri naman ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Santiago at ang mga operatiba ng MPD Drug Enforcement Unit sa matagumpay na operasyon habang natiyak ang kaligtasan ng suspek at mga pulis.

Sinabi ni Domagoso na naiwasan ang pagkalat ng ilegal na droga sa mga komunidad sa Maynila.

Binalaan din ni Domagoso ang mga sangkot sa ilegal na gawain na huwag mangahas sa Maynila.

“Kung gusto niyo naman, magbagong-buhay na kayo. Call naman kami kung gusto niyo kami subukin sa Maynila,” anang alkalde.

Sinabi pa ni Mayor Isko na patuloy na makikipagtulungan ang lungsod sa MPD para pigilan ang pagkalat ng ilegal na droga sa lungsod.

Samantala, pinuri rin ng alkalde ang MPD sa patuloy na pagpapanatili ng peace and order sa kabila ng pagbaha, masamang panahon, at iba pang hamon sa lungsod nitong weekend.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here