Home HOME BANNER STORY Libreng toll sa NLEX Pulilan-San Fernando simula Sept. 2 sa matinding trapiko,...

Libreng toll sa NLEX Pulilan-San Fernando simula Sept. 2 sa matinding trapiko, baha

3
0

MANILA, Philippines — Libre na ang toll sa North Luzon Expressway (NLEX) para sa lahat ng sasakyang bumibiyahe sa pagitan ng Pulilan, Bulacan at San Fernando, Pampanga, sa magkabilang direksyon, simula Miyerkoles, Setyembre 2.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ipinatupad ang toll-free passage upang mabawasan ang epekto sa mga motoristang naaabala ng matinding trapiko dulot ng pagbaha sa bahagi ng Tulaoc Bridge sa San Simon, Pampanga.

Nakipag-ugnayan si Transportation Secretary Giovanni Lopez kay NLEX Corporation President Luis Reñon para maipatupad ang pansamantalang libreng toll sa naturang bahagi ng expressway, ayon sa anunsyo ng DOTr na iniulat ng GMA News.

Patuloy na nakararanas ng mabigat na daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng NLEX dahil sa mataas na tubig sa San Simon, na nagresulta rin sa mga road closure at diversion sa mga nakalipas na araw.

Hindi pa tinukoy ng DOTr kung hanggang kailan ipatutupad ang toll-free arrangement.

Pinapayuhan ang mga motorista na bantayan ang mga traffic advisory ng DOTr at NLEX bago bumiyahe dahil maaari pang magbago ang sitwasyon sa mga bahaging apektado ng baha. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here