MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador JV Ejercito na walang badyet sa flood control program na nakalista sa 2027 national expenditure program (NEP) na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso.
Sa pahayag, sinabi ni Ejercito na nakapokus ngayon ang administrasyon na makumpleto ang lahat ng umiiral na flood control projects at tugunan ang pagkukulang sa flood mitigation partikular sa Luzon.
Naunang sinuspinde ang pagpapalabas ng pondo sa flood control projects ngayong 2026 matapos mabulgar ang multi-bilyong anomalya at ghost flood control projects na kinasasangkutan ng ilang kongresista, senador at pribadong kontraktor.
Pero, iginiit pa rin ni Ejercito na kailangang pondohan ang ilan pang flood control projects sa susunod na taon sa harap ng malawakang pagbaha sa bansa na naranasan ng mamamayan sanhi ng malalaka na ulan ng habagat.
“But we saw the impact. When the rains continue, Central Luzon—from Tarlac, Pampanga, and Bulacan to Metro Manila—is really underwater,” aniya.
“In my view, we have to resume funding, but only for uncompleted projects. We should complete unfinished flood control projects and address the gaps,” giit ni pa Ejercito.
Giit pa ng senador na dapat nakalinya ang anumang proyekto sa master plan na suportado ng feasibility study at itatayo sa 10 most flood-prone provinces.
Idinagdag pa ng senador na kung naisumite ang master plano, o kung ipagpapatuloy ang proyekto na hindi naisama sa plano, maaari pang itong ipagpatuloy kung aprugado ng regional o provincial development council upang patunayan ang pangangailangan.







