Home NATIONWIDE 766 cybercrime suspects arestado sa loob ng 7 buwan — PNP-ACG

766 cybercrime suspects arestado sa loob ng 7 buwan — PNP-ACG

3
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 766 katao ang inaresto ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa iba’t ibang cybercrime operations mula Enero hanggang Hulyo 2026.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP-ACG chief Maj. Gen. Wilson Asueta na online selling scams ang nangungunang uri ng cybercrime na kanilang naitala sa naturang panahon.

Bukod sa mga naaresto, 149 biktima ang nasagip habang nakapagtala ang ACG ng 81 convictions sa loob ng pitong buwan.

Kasabay nito, nanawagan si Asueta sa Kongreso na amyendahan ang SIM Registration Act upang higpitan ang pagpapatunay sa pagkakakilanlan ng mga nagrerehistro ng SIM.

Kabilang sa kanilang mungkahi ang paggamit ng National ID at biometrics para sa identity authentication, paglilimita sa maaaring irehistrong SIM sa hanggang lima bawat tao, at pagbabawal sa paglilipat ng registered SIM nang walang kaukulang dokumentasyon.

Iminungkahi rin ng PNP-ACG ang mas mahigpit na monitoring sa distribution at redistribution ng SIM cards.

Bilang halimbawa, sinabi ni Asueta na isang 26-anyos na lalaki ang naaresto sa entrapment operation sa Bulacan noong Agosto 24 dahil umano sa pagbebenta ng mga rehistradong SIM card sa social media. Humigit-kumulang 400 registered SIM cards ang nasamsam sa operasyon.

Nakikipagtulungan ang PNP sa telecommunications companies, National Telecommunications Commission at Cybercrime Investigation and Coordinating Center para palakasin ang SIM registration at digital identity verification laban sa cybercrime. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here