MANILA, Philippines – Asahan ang pabugso-bugsong malalakas na pag-ulan ngayong Huwebes, Setyembre 2 sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, at Bataan dahil sa Habagat.
Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Cavite, Batangas, Rizal, at Occidental Mindoro ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil din sa Habagat.
Ang Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa kaparehong weather system.
Habang ang Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized Thunderstorms. RNT/JGC