Home NATIONWIDE 33% ng mga Pinoy, nagsabing bumuti kalidad ng kanilang buhay- SWS

33% ng mga Pinoy, nagsabing bumuti kalidad ng kanilang buhay- SWS

3
0

MANILA, Philippines – MAY 33% ng mga Pinoy ang nagsabi na bumuti ang kalidad ng kanilang buhay base sa isinagawang survey ng Social Weather Survey (SWS) mula June 20 hanggang 29, 2026.

Iyon nga lamang, may 33% din ng mga Pinoy ang nagsabi na mas lumala ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan habang 34% naman ang nagsabing hindi nagbago ang kalidad ng kanilang buhay.

Dahil dito, zero ang net gainers score ng bansa, na itinuring ng SWS na “fair.”

Ang June 2026 score ay 26 puntos na mas mataas kaysa sa “low” -26 na naitala nitong March 2026.

Ang net gainers score ay bumagsak naman mula sa “very high” +12 noong June 2025 sa “fair” -2 noong September 2025 at “fair” -7 noong November 2025, bago pa mas bumaba sa “low” -26 noong March 2026.

Ang June 2026 net gainers score na zero ay 8 puntos na mas mataas kaysa sa 2025 annual score na “fair” -8 at malapit sa “fair” -2 na naitala noong September 2025.

Ang Second Quarter 2026 Social Weather Survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults (18 taon at pataas) sa buong bansa: 300 sa Metro Manila, 300 sa Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.

Ang sampling error margins ay ±3% para sa national percentages at ±6% para sa Metro Manila, sa Balance Luzon, sa Visayas, at sa Mindanao. Ang nasabing survey ay non-commissioned.

Natuklasan sa June 2026 survey na ang net gainers ay nakapagtala ng pinakamababa sa Metro Manila na may mediocre -13, sumunod ang Visayas na may fair -1, Mindanao na may high +3, at Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila) na may high +4.

“The 26-point rise in the nationwide net gainers score from March to June 2026 was due to increases in all areas,” ayon sa SWS.

“Compared to March 2026, net gainers rose from very low to fair in urban areas, up by 27 points from -32 to -5. It rose from mediocre to high in rural areas, up by 23 points from -18 to +5,” ang sinabi pa rin ng SWS. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here