Home METRO Negosyante, dedo sa ka-angkas sa motorsiklo

Negosyante, dedo sa ka-angkas sa motorsiklo

2
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Binaril at napatay ang isang negosyante ng angkas nito sa motorsiklo, napaulat kagabi sa Caloocan City.

Base sa pahayag ng 21-anyos na testigo sa pulisya, alas7:30 ng gabi nang huminto ang motorsiklong sinasakyan ng biktima at ng suspek sa Camarin road.

Ayon sa testigo, nasaksihan niya ang ginawang pamamaril sa biktima ng lalaking nakasuot ng light brown t-shirt at light color na pants.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa Quisumbing St. sa Barangay 178, Area D ng lungsod.

Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, may nakabimbing kasong isinampa ang biktima sa Caloocan City Prosecutor’s Office noong Hunyo 5, 2026 na may kaugnayan sa kasong Qualified Theft.

Inaalam pa ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth kung may kaugnayan ang kanyang isinampang kaso sa nangyaring pamamaslang sa kanya habang patuloy ang masusing imbestigasyon para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here