Home METRO 2 iskul sa Batangas, binulabog ng bomb threats

2 iskul sa Batangas, binulabog ng bomb threats

3
0
Gumagamit ng handheld metal detector ang isang pribadong paaralan sa Padre Algue St., Tondo, Maynila upang suriin ang mga gamit ng mga estudyante bilang bahagi ng kanilang mga hakbang sa seguridad sa paaralan.Larawan kuha ni ERIC OCAPAN

BATANGAS – Dalawang paaralan sa Batangas ang nakatanggap ng magkahiwalay na bomb threat nitong Setyembre 2, dahilan upang pansamantalang suspendihin ang klase at magsagawa ng clearing operations ang mga awtoridad.

Sa Lemery, nakatanggap ang Lemery Colleges sa Barangay Bagong Sikat ng anonymous chat message na nagsasabing may mga bombang itinanim umano sa ilang gusali ng paaralan.

Agad na rumesponde ang Lemery police, inilayo sa panganib ang mga estudyante at faculty members, at pansamantalang sinuspinde ang klase habang isinasagawa ang inspeksyon sa campus.

Nagsagawa rin ng sweep at clearing operations ang Explosive Ordnance Disposal at K9 units.

Sa Batangas City, nakatanggap din ang University of Batangas sa Barangay Kumintang ng bomb threat sa pamamagitan ng Facebook Messenger. Nakasaad sa mensahe na may bomba umanong itinanim sa loob ng unibersidad at maaari itong sumabog sa araw ding iyon.

Dahil dito, agad na siniguro ng school security personnel ang lugar habang isinagawa ang kaukulang security procedures.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng dalawang bomb threat at kung may kaugnayan ang mga ito sa isa’t isa. Wala pang kumpirmasyon na may aktuwal na explosive device na natagpuan sa alinmang paaralan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here