Home NATIONWIDE DOE: EPIRA kailangan nang repasuhin; reporma sa ERC prayoridad

DOE: EPIRA kailangan nang repasuhin; reporma sa ERC prayoridad

3
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of Energy (DOE) ang pagrepaso sa 25-anyos na Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), kabilang ang pagpapalakas sa Energy Regulatory Commission (ERC), upang tugunan ang mga nananatiling problema sa sektor ng kuryente.

Sa “Beyond EPIRA: EPIRA at 25” forum sa Taguig City, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na panahon nang suriin kung naging epektibo ang Republic Act No. 9136 matapos itong maipasa noong 2001 bilang tugon sa mga problema noon sa power sector.

“EPIRA is 25 years old, and it was enacted because we were responding to a crisis back then. But it’s still a problem until now,” ani Garin.

Ayon sa kalihim, prayoridad sa mga panukalang pagbabago ang pagkakaroon ng mas malakas, episyente at streamlined na regulatory system sa pamamagitan ng ERC.

Susunod namang tututukan ang mga reporma sa distribution, generation, retail at transmission sectors.

May mga panukala nang inihain sa Kongreso para amyendahan ang EPIRA, habang nagsumite na rin ang DOE ng sariling rekomendasyon para sa pagbabago ng batas.

Gayunman, sinabi ni Garin na kailangang dumaan ang mga pagbabago sa masusing pag-aaral ng Kamara at Senado bago maisabatas.

Sa loob ng 25 taon mula nang maipatupad ang EPIRA, patuloy na nananatiling pangunahing batas ang RA 9136 sa restructuring, regulation at operasyon ng electric power industry sa bansa. Patuloy ding naglalabas ang DOE ng mga ulat hinggil sa pagpapatupad ng mga reporma sa ilalim nito. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here