MANILA, Philippines – Maglulunsad ang Land Transportation Office (LTO) ng bagong hotline sa Oktubre upang mas mabilis na masagot ang mga katanungan at reklamo ng publiko, ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Lacanilao na isa sa mga dahilan kung bakit lumalapit ang ilang motorista sa mga fixer ay kakulangan ng malinaw na impormasyon hinggil sa mga proseso at transaksyon sa ahensya.







