Home NATIONWIDE LTO maglulunsad ng bagong hotline para sa queries, reklamo sa Oktubre

LTO maglulunsad ng bagong hotline para sa queries, reklamo sa Oktubre

1
0

MANILA, Philippines – Maglulunsad ang Land Transportation Office (LTO) ng bagong hotline sa Oktubre upang mas mabilis na masagot ang mga katanungan at reklamo ng publiko, ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Lacanilao na isa sa mga dahilan kung bakit lumalapit ang ilang motorista sa mga fixer ay kakulangan ng malinaw na impormasyon hinggil sa mga proseso at transaksyon sa ahensya.

via Eric Ocapan

Layunin umano ng hotline na magkaroon ang publiko ng direktang paraan upang magtanong at magreklamo sa LTO sa halip na umasa sa mga hindi awtorisadong indibidwal.

Nauna nang pinaigting ng LTO ang kampanya laban sa fixing activities. Mula Oktubre 2025, sinabi ni Lacanilao na 71 umano’y fixer ang naaresto sa Metro Manila habang 90 online accounts na nag-aalok ng fixer services ang natukoy.

Kasabay nito, nagbabala ang LTO laban sa paggawa at paggamit ng mga pekeng plaka, partikular ang mga ginagaya ang special protocol plates na ginagamit ng ilang opisyal at institusyon ng gobyerno.

Sinabi ni Lacanilao na maaaring maharap sa mabibigat na kaso ang mga gumagawa at gumagamit ng mga pekeng plakang nagpapanggap na awtorisadong government plates.

Nauna nang inanunsyo ng LTO ang nationwide crackdown laban sa mga sasakyang gumagamit ng counterfeit o improvised plates na ginagaya ang disenyo ng government-issued license plates. Jocelyn Tabangcura Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here