Home HOME BANNER STORY Bahagi ng Marilaque Highway sarado sa landslide

Bahagi ng Marilaque Highway sarado sa landslide

7
0

MANILA, Philippines – Tumama ang malaking landslide sa Marilaque Highway na nagdurugtong sa Manila patungong Rizal, Laguna at Quezon.

Ayon sa ulat, isinara sa trapiko ang bahagi ng Marilaque Highway sa Baras, Rizal dahil sa landslide.

Naapektuhan din nito ang poste ng kuryente dahilan para mawalan ng suplay ng kuryente ang ilang mga residente sa lugar.

Wala namang naitalang nasawi sa landslide.

Sa larawan, nakita ang nalaglag na malalaking bato at piraso ng lupa sa kalsada kabilang ang isang jeepney na muntik pang maipit.

Ang landslide ay naganap kasabay ng tuloy-tuloy at malalakas na pag-ulan dahil sa Habagat.

Ayon kay Johnnel Ferrero ng Baras Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, malambot na ang lupa dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at patuloy din na nagagalaw ang mga puno dahil sa malalakas na hangin.

Halos apat na kilometro ng kalsada ang natabunan ng landslide.

Nagsimula na ng clearing operations ang Department of Public Works and Highways at iba pang ahensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here