Home NATIONWIDE Bonoan naghain ng not guilty plea sa graft case sa flood control...

Bonoan naghain ng not guilty plea sa graft case sa flood control projects

3
0

MANILA, Philippines – Naghain ng not guilty plea si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan nitong Biyernes, Setyembre 4, kaugnay sa graft charge sa umano’y sabwatan sa paglalagay ng alokasyon mula sa national budget para sa flood control projects kung saan umano nakolekta ang mga kickback.

Si Bonoan ay nananatiling co-accused ni Senador Jinggoy Estrada sa mga reklamong pending pa sa Second Division ng Sandiganbayan matapos tanggihan ng tribunal noong Agosto ang mosyon na alisin ito bilang akusado.

Nauna na itong naalis bilang co-accused sa plunder case sa Sandiganbayan Fifth Division na may kaugnayan din sa flood control scandal.

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pagpapalaya kay Bonoan matapos itong maalis bilang isa sa mga akusado sa kasong plunder na isang non-bailable offense.

Si Bonoan ay nakalabas na mula sa hospital detention nitong Biyernes.

Siya ay nasa hospital detention mula nang mag-isyu ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa kanya noong Mayo 29 dahil sa kabi-kabilang sakit kabilang ang heart problems.

Nang tanungin ni Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg nitong Biyernes kung may sakit pa ito, sinabi ni Bonoan na, “I am still taking medicines, Your Honor.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here