MANILA, Philippines – Pinangunahan ng Department of Justice ang student awareness seminar sa pag-iwas sa pag-iwas sa bullying sa Bagong Tanyag Integrated School sa Taguig City nitong Biyernes, Setyembre 4.
“Nakikita naman po natin kasi sa news, maraming mga incidents na nakakabahala. At hindi ko lang sasabihin ang particular na insidente, pero lumalabas sa imbestigasyon na ‘yung isang child in conflict with the law, ‘yung tinatawag po natin ng CICL, lumalabas na nagreklamo na pala siya na na-bully siya. At mukhang hindi natulungan nang epektibong pamamaraan,” sinabi ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Ian Norman Dato sa naturang seminar.
Nilinaw ni Dato na ito ay “all anecdotal at this point,” at sinabing ang mga kaugnay na school violence ay nasa prosecution stage pa lamang at pending pa sa mga korte.
Bagamat mayroong maliit na tsansa na ang pinakahuling mga insidente ng karahasan sa paaralan ay dahil sa bullying, naniniwala si Dato na magkakaroon ng mabuting epekto ang hakbang para maiwasan ang bullying.
“The cases are still either in the prosecution stage or in the courts before trial. But the point is even if there’s just a small hint that these incidents might have been triggered by a bullying incident in the school, then any little way with which we can help prevent it would already go a long way into helping our learners,” tugon ni Dato nang tanungin patungkol sa ugnayan ng bullying at pinakahuling insidente ng mga karahasan sa paaralan.
Sa ulat, isinagawa ang seminar para palawakin ang awareness sa DOJ Department Circular No. 026 na inisyu noong Hulyo.
Ang circular ay naglalatag ng “accessibility and referral mechanism” para sa mga reklamo kaugnay sa bullying.
“I just want to help the department disseminate that there’s now the Department Circular No. 026 providing a mechanism for our bully victims that they can go to the Department of Justice Action Center or the local prosecution offices if ever they have a complaint or referral with regard to any bullying incident in their school,” sinabi ni Dato.
“So there’s an additional avenue besides the mechanisms already provided by the DepEd and all the mechanisms that are available at the school level.”
Sa seminar, nagbabala rin si Dato laban sa mga groomer gamit ang gaming platforms.
“Mayroon ba kayong naranasan na nag-aalok sa inyo na pumunta na sa WhatsApp o sa Viber? […] Tawag doon groomers. Ignore them. Huwag na huwag niyo lang bigyan sila ng pagkakataon o atensiyon na dalhin pa kayo sa lugar–virtual o pisikal–sa lugar na hindi maganda,” aniya.
“As a matter of general principle, kung hindi napalaki ng magulang nang maayos ang anak, may pananagutan ang magulang sa ilalim ng batas… Kung ‘yung anak ninyo ay naging biktima ng bullying or ‘yung anak ninyo hindi niyo pinasok sa paaralan o ‘yung anak ninyo hindi niyo sinuportahan sa kanyang educational attainment, ito ay mayroon kayong pananagutan sa ilalim ng batas. Neglect– parental neglect,” pagpapatuloy nito. RNT/JGC