MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay sumukong muli si Dating Congressman Francisco Kiko Barzaga makaraang maglabas ng warrant of arrest ang korte sa kasong cyberlibel kahapon, September 4, 2026.
Kaagad namang pinyansahan ng kanyang legal counsel si Barzaga sa halagang P48,000.
Ayon sa nakalap na report, alas-3:45 ng hapon nang magtungo sa Dasmariñas Police Station si Francisco Austria Kiko Barzaga, upang isuko ang sarili kaugnay sa kasong Cyberlibel under Section 4(C)(4) of RA 10175 in relation to Art 355 of the RPC under criminal Case number 26-64579 na inisyu ni Hon Suelynn T Lowir- Jolingan, Presiding Judge Region, Bacolod City Negros Occidental.
Matatandaan na pangalawang beses nang kinasuhan at sumuko ang dating kongresista sa kasong kinaharap nito. MARGIE BAUTISTA