MANILA, Philippines – Nagbabala ang top negotiator ng Iran ng mas matinding ganti kung maglulunsad ng mas marami pang pag-atake ang US.
Ito ay matapos targetin ng Tehran ang mga warship ng Amerika sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Muling iginiit ng Iran ang kontrol nito sa Strait of Hormuz habang ang Washington naman ay patuloy sa counter-blockade ng Iranian ports.
Nais din ng US na gipitin ang ekonomiya ng Iran at pagsasagawa ng mga sanction sa mga kompanyang may financial links sa Iran.
“The Americans must have understood that the era of proportionate responses has come to an end,” sinabi ni Iran parliament speaker Mohammad Bagher Ghalibaf, na nagsisilbing chief negotiator sa usapin para tapusin ang giyera.
“Any aggression against Iran’s interests and security will receive a faster, more intense and more painful response,” dagdag pa niya.
Nitong Sabado, sinabi ng US Central Command (CENTCOM), na nangangasiwa sa operasyon ng militar sa rehiyon na bigo ang Iran sa pag-atake sa mga warship ng Amerika.
Ito ay sa kabila ng sinabi naman ng Islamic Revolutionary Guard Corps na ang mga warship ng Amerika ay “forced to retreat” matapos magtamo ng pinsala.
Bilang tugon, sinabi ng US military na sinapul nito ang tatlong oil tanker na may kaugnayan sa Iranian Guards.
“Following Iran’s failed attacks, CENTCOM permanently disabled the IRGC crude oil carriers M/T Downy off the coast of Kharg Island and M/T Stark 1 near Jask,” sinabi ng CENTCOM.
“American forces also completely destroyed the unladen crude oil carrier M/T Kylo… in the Gulf of Oman, striking the vessel in multiple critical locations to render it inoperable after the crew was directed to abandon ship.” RNT/JGC