Home METRO Lalaking may kaso sa panghahalay laglag sa parak sa Valenzuela

Lalaking may kaso sa panghahalay laglag sa parak sa Valenzuela

1
0

MANILA, Philippines – Laglag sa parak ang isang lalaking pinaghahanap sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness matapos itong mamataan habang naglalakad, napaulat nitong Sabado, Setyembre 5 sa Valenzuela City.

Ang 26-anyos na akusado na si alyas “Boy” ay hindi na nakaporma nang dakmain ng tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento habang naglalakad sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy., Polo.

Batay sa report na natanggap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Col. Talento na naispatan ang presensya ng akusado sa nasabing barangay.

Kaagad nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Valenzuela City Police Station hanggang sa makorner nila ang akusado sa nasabing lugar dakong alas-5 ng hapon.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City, noong September 4, 2026, para sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(B) of R.A 7610, na may inirekomendang piyansa na P180,000.

Pansamatalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela City Police Station ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here