MANILA, Philippines – Natuklasan sa government records na pawang namatay na ang 37 taong tumanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte, ayon sa isang opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Senate impeachment court nitong Lunes.
Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Duterte, ipinakita ni PSA Assistant National Statistician Marizza Grande— ang10th witness sa Article 1, na tumutukoy sa paglulustay ng confidential funds ni Duterte.
Natnghayan sa direct examination ng saksi, hiniling ni private prosecutor Mae Divinagracia ang tugon ng PSA sa request ng House committee on justice na mag- ‘re-verify” ang single-match entries ng mga recipients confidential funds ni Duterte.
“Based po dito sa re-verification namin ng single-match entry, nakita po namin na doon sa mga pangalan under the OVP (Office of the Vice President) ay mayroon po mga talaan kung saan may records na po ng mga kamatayan o death certificates po at 32 po ay nakita namin na mga official death certficates sa mga pangalan na yun,” ayon kay Grande sa direct examination ni private prosecutor Mae Divinagracia.
“Yung isang listahan po, pertaining po dun sa DepEd list, mayroon pong lima na official death certificate na nakita namin sa CRS (Civil Registry System) database,” ayon kay Grande.
Nagsilbi ni Duterte bilang kalihim ng the Department Education (DepEd) mula 2022 hanggang 2024.
Naunang tinukoy ni Divinagracia na inilista ng OVP ang 1, 992 recipients ng P500 million ng confidential funds habang 677 tumanggap naman sa confidential funds ng DepEd na umabot sa halagang P112.5 million.
Kaya kinumpirma ng saksi ang impormasyon na naglalaman ng death certificatyes na ipinakita ng private prosecutor sa korte.
Isa doon, ayon sa PSA, ang isang Fortunato Salig, na tumanggap ng P200,000 reward. Pero, base sa records ng PSA, ayon kay Grande, namatay si Salig noong June 19, 2011.
Isang Emilio Sagan naman ang tumanggap ng P70,000 “for the purchase of information,” pero nakita sa records ng PSA data na namatay ito noong July 28, 2015.
“Ilang taon na pong patay si Emilio Sagan noong taong 2022?” tanong ni Divinagracia.
Bilang tugon, sinabi ni Grande na halos pitong taon nang patay si Sagan mula noong 2022 na panahon nang tumanggap siya ng reward mula sa OVP na namatay sa edad na 49 anyos.
Isa pang death certificate na nagsasabing isang Rodolfo Traya na namatay noong May 04, 2021, pero nakalista bilang tumanggap ng confidential fund da halagang P120,000.
“Mayroon pang 209 menor de edad sa OVP list at limang iba pang menor ang nakalista sa DepEd base sa kanilang birth certificates,” ayon kay Grande. Ernie Reyes