MANILA, Philippines – Humihingi ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang P541.5 milyon para sa pagsasanay at pagkuha ng mga tauhan para sa special needs education program nito, na nakatakdang mabawasan ang pondo sa panukalang 2027 budget.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara nitong Lunes, makatutulong ang dagdag na pondo sa mahigit 30,000 pampublikong paaralan at sa pagsasanay ng mga guro para mas maayos na masuportahan ang mga mag-aaral na may special needs.
“We’ve appealed for an additional P541.5 million, subject to the discretion of the honorable members of Congress,” ani Angara, para madagdagan ang P850 milyon na nakalaan para sa programa sa susunod na taon.
Sinabi niyang gagamitin ang dagdag na pondo para ipatupad ang inclusive education program sa 34,000 paaralan sa buong bansa at magsanay ng mas maraming guro sa special education.
“This is to train some of the teachers given the systemic lack of personnel and capacity building for 622 school heads, supervisors, and multidisciplinary teams as required by the inclusive education [law],” dagdag niya. RNT/MDS