Home NATIONWIDE New Mexico gustong palitan ni Trump na New America

New Mexico gustong palitan ni Trump na New America

1
0

WASHINTON, United States – Iminungkahi ni US President Donald Trump na palitan ang pangalan ng New Mexico at gawing “New America,” na agad namang tinutulan ng gobernador ng estado.

Sa social media, sinabi ni Trump: “Many people suggested changing the name of New Mexico… to NEW AMERICA. So much more prestigious and beautiful for the people of that potentially incredible State. Wow, I Love It!!!”

Muling naglabas ang White House ng larawan kung saan tinanggal ang salitang “Mexico” sa pangalan ng estado at pinalitan ito ng “America.” Ayon sa ilang US media, maaaring nagmula sa internet hoax ang ideya.

Sinabi ni New Mexico Gov. Michelle Lujan Grisham sa Fox News na hindi maaaring pag-usapan ang pagpapalit ng pangalan dahil matagal na itong ginagamit bago pa itinatag ang United States. Aniya, nais lamang ni Trump na “distract Americans” mula sa mga isyu tulad ng tumataas na presyo ng gasolina.

Ilang araw bago nito, nilagdaan ni Trump ang utos na palitan ang pangalan ng Lake Ontario bilang “Lake America,” na tinutulan din ng Canada.

Iminungkahi rin niya noong nakaraang linggo na tawaging “Trump Strait” ang Strait of Hormuz, ngunit kalaunan ay nagpahiwatig na maaaring hindi seryoso ang plano.

Noong unang araw ng kanyang pagbabalik sa White House noong 2025, pinalitan din ni Trump ang pangalan ng Gulf of Mexico bilang “Gulf of America,” na tinanggihan ng Mexico. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here