Home NATIONWIDE Comelec, walang nang kinalaman sa kaso vs Marcoleta

Comelec, walang nang kinalaman sa kaso vs Marcoleta

1
0

MANILA, Philippines – Wala nang kinalaman ang Commission on Elections sa kinakaharap na kasong kriminal ni Sen.Rodante Marcoleta, ayon kay Chairman George Erwin Garcia.

Paglillinaw ni Garcia, tapos na ang papel ng Comelec sa kaso ng senador sa Sandiganbayan kaugnay sa campaign contributions nito noong 2025 National ang Local Elections.

Sinabi ni Garcia  na ang saklaw Lang ng Comelec ay usapin ng donasyon, kontribusyon at SOCE.

Ginawa ni Garcia ang pahayag  matapos sabihin ni Marcoleta sa pagdinig na dapat Comelec ang humarap ng kaso at hindi ang Sandiganabayan.

Aniya tapos na ang tungkulin ng Comelec sa criminal aspect at wala nang pending case sa kanila . Multa na lang ang dinidinig nila ngayon.

Pero babala ni Garcia puwede pa ring kasalan ng ibang ahensya ang senador at ang mga donor kung may nila bag na ibang batas.

Nilinaw din ng poll chief na hindi ibig sabihin ay ligtas na sa kaso ang mga nag-donate kay Marcoleta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here