Home NATIONWIDE Bagong ‘giyera’ sa ‘burden of proof’ sa paggamit ng alyas, sumiklab sa...

Bagong ‘giyera’ sa ‘burden of proof’ sa paggamit ng alyas, sumiklab sa VP Sara trial

1
0

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng pagtatalo ang prosecution at defense team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte tungkol sa paggamit ng mga alyas ng mga taong tumanggap umano ng confidential funds.

Sa pagpapatuloy ng paglilitis nitong Lunes, kinuwestiyon ni Senator-judge Erwin Tulfo ang mga pangalan sa acknowledgment receipts na sinasabing alyas ng confidential informants. Napansin din niya na magkakatulad ang mga pirma at handwriting sa ilang dokumento.

Ayon kay House private prosecutor Mae Divinagracia, itinuring ng prosecution na tunay na pangalan ang mga nakalagay sa resibo dahil hindi umano sinabi ng defense sa kanilang sagot o pretrial na alyas ang mga ito.

“If such was the fact, Your Honor, then the defense should have at the earliest opportunity already indicated that in their answer. But they never did, Your Honor,” ayon kay Divinagracia.

Dahil dito, itinuloy ng prosecution ang posisyon na tunay na pangalan ang mga tumanggap ng pondo at humingi pa ng beripikasyon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa articles of impeachment, 398 sa 677 pangalan sa DepEd receipts at 1,287 sa 1,992 pangalan sa Office of the Vice President (OVP) receipts ang hindi umano maberipika sa civil registry records.

Iginiit naman ng defense na alyas ang mga naturang pangalan at dapat sana itong ipinaliwanag bago pa nagsimula ang paglilitis.

Ayon kay Defense counsel Justin Nicol Dular, hindi naman pinuna ng Commission on Audit (COA) ang paggamit ng mga alyas kaya walang dahilan upang tugunan ito sa kasalukuyang yugto ng paglilitis.

“The fact remains at this point of the proceedings, and even at the time the articles of impeachment were 5wwwwwww2filed, is that the prosecution had the burden of proof to explain and prove every allegation,” ayon kay Dular.

“If they are now claiming that these are aliases, the burden is with them. Not with the defense,” giit pa niya.

Samantala, sinabi ni Tulfo na hindi na siya nagugulat sa paggamit ng alyas dahil karaniwan itong ginagawa ng law enforcement agencies upang protektahan ang mga nagbibigay ng impormasyon.

“Makakalusot pa sa akin yung bang gagamit ng alias. Kasi nga naman, syempre, as an informant, especially giving intelligence information or confidential information, siguro allowed sila na gumamit ng alias,” ani Tulfo.

Gayunman, sinabi niyang “very questionable” ang halos magkakaparehong pirma at sulat-kamay sa ilang resibo.

“Pero yung bang pirma ng ilang mga informants po doon… pare-pareho. Tapos yung handwriting, yung pag-fill up ng mga pangalan doon, pare-pareho. Ibig sabihin, isang tao lang ang nag-fill up nun,” ani Tulfo. RNT/MDS/Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here