Home NATIONWIDE 2 pekeng BuCor recruitment sites, ibinabala sa publiko

2 pekeng BuCor recruitment sites, ibinabala sa publiko

3
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bureau of Corrections (BuCor) laban sa dalawang pekeng recruitment website na nagpapanggap na opisyal na online recruitment platform ng ahensya.

Tinukoy ng BuCor ang e-bucor-rms.vercel.app at bucor-recruitment.online bilang mga website na hindi awtorisadong kumakatawan sa recruitment system ng bureau.

Hinimok ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang mga aplikante at publiko na dumaan lamang sa opisyal na website ng ahensya na bucor.gov.ph, na siyang lehitimong government domain ng bureau.

Nagbabala ang BuCor na maaaring gamitin ang mga pekeng recruitment site upang makakuha ng personal na impormasyon, manloko para sa pera at magpakalat ng maling impormasyon.

“In an age where digital deception grows increasingly sophisticated, vigilance is essential,” ayon kay Catapang.

Aniya, sinasamantala ng mga ganitong website ang mga naghahanap ng trabaho at nakasisira rin sa tiwala ng publiko sa mga lehitimong institusyon ng gobyerno.

Pinapayuhan ang mga aplikante na beripikahin muna ang recruitment announcements at online transactions sa mga opisyal na channel ng BuCor bago magsumite ng personal na impormasyon o dokumento. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here