Home HOME BANNER STORY VP Sara pinasasaklaw sa ‘immunity’ sa kaso tulad ni BBM

VP Sara pinasasaklaw sa ‘immunity’ sa kaso tulad ni BBM

3
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Robin Padilla nitong Lunes, Setyembre 7, na dapat ding saklawin ng *immunity from suit* ang Bise Presidente habang nakaupo, katulad ng proteksyon na mayroon ang Pangulo.

Ginawa ni Padilla ang pahayag sa gitna ng Senate impeachment trial kay *Vice President Sara Duterte* habang tinatalakay ang legal na epekto ng mga kriminal na kaso laban sa isang nakaupong pangalawang pangulo.

“If ang ganitong prinsipyo ay naaangkop sa pangulo, dapat din itong ilapat sa bise-presidente,” sabi ni Padilla.

Binigyang-diin ni Padilla na parehong impeachable officer ang Pangulo at Bise Presidente sa ilalim ng 1987 Constitution at pareho silang may constitutional duties.

Binanggit din niya na unang pumipila sa pagkapangulo ang Bise Presidente sakaling hindi makagampan ang nakaupong Pangulo. Para kay Padilla, ang mga pagkakaparehong ito ang batayan para i-extend din ang rasyonal ng presidential immunity sa Bise Presidente.

Sinipi ni Padilla ang mga desisyon ng Korte Suprema tulad ng Estrada vs. Desierto at David vs. Macapagal-Arroyo na nagsasabing kailangang protektahan ang mga impeachable official mula sa mga harassment o kaso na maaaring makagambala sa kanilang trabaho.

Binanggit din niya ang Duterte vs. House of Representatives kung saan kinilala ng SC na may certain level of immunity ang mga impeachable officer para maprotektahan sila sa “malicious o nakakaabala na mga kaso”.

Bumitiw ang pahayag ni Padilla ilang araw matapos maglabas ng warrant of arrest ang Quezon City RTC laban kay VP Duterte kaugnay ng grave threats case mula sa imbestigasyon ng NBI. Nakapag-pyansa na si Duterte.

Para kay Padilla, kailangang linawin ang isyu dahil may malinaw na proseso ang Konstitusyon para panagutin ang mga impeachable officer.

“May dahilan kung bakit may impeachment. Hindi natin puwedeng lampasan ang prosesong ito dahil lamang mas madali o mas convenient ang ibang paraan,” ani Padilla. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here