Home NATIONWIDE Paghahanda sa 2026 BSKE, tuloy-tuloy – Comelec

Paghahanda sa 2026 BSKE, tuloy-tuloy – Comelec

3
0

MANILA, Philippines – Tuloy ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Aniya, magpapatuloy ang paghahanda ng Comelec hangga’t wala pang batas na nagpapaliban sa halalan, na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026.

“Ano’t-ano man, ipapa-deliver po namin ang mga karamihan na ‘yan,” sabi ni Garcia.

Dagdag niya, nasa Kongreso ang pagpapasya kung kailan gaganapin ang halalan, habang tungkulin ng Comelec na ipatupad ang kasalukuyang batas at ipagpatuloy ang paghahanda.

“Nasa amin naman pong kapangyarihan na kung ano ang mga binili namin ay mai-deliver na upang maihatid na kaagad. Hindi pwedeng magpatumpik-tumpik. Time is always of the essence,” dagdag ng poll chief. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here