MANILA, Philippines – Bumaba ng 41.77% ang mga tinatawag na focus crimes sa buong bansa noong Agosto 2026 kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP, 2,087 insidente ang naitala noong Agosto 2026, mula sa 3,584 noong Agosto 2025, o 1,497 mas kaunting kaso.
Pinakamalaki ang ibinaba ng carnapping ng motor vehicles na 67.74%, sinundan ng rape na 58.65%, mula 769 naging 318 kaso. Bumaba rin ang carnapping ng motorsiklo ng 53.64%, physical injury ng 46.83%, theft ng 41.67%, robbery ng 33.16% at homicide ng 33.33%.
Kabilang sa walong focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng motor vehicles at carnapping ng motorcycles.
Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., magandang senyales ang pagbaba ng krimen ngunit hindi dapat maging kampante ang pulisya.
“It’s good to see the decline, but we shouldn’t be complacent. Every number represents a real situation involving people and communities,” ani Nartatez.
Dagdag niya, “So our work continues—prevent where we can, respond when needed, and make sure our police service remains present where people need it most,”. RNT/MDS