Home NATIONWIDE Mga miyembro ng PhilHealth magkakaroon na ng ‘health proxy’

Mga miyembro ng PhilHealth magkakaroon na ng ‘health proxy’

2
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon na ng “Health Proxy” ang mga miyembro ng PhilHealth.

Binabago na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhlHealth) ang membership form para maisama ang taong maaaring magdesisyon sa medical care ng miyembro, ayon sa opisyal ng state insurer nitong Lunes, Setyembre 7.

Nasa internal review na ngayon ang binagong PMRF at target itong ilabas bago matapos ang buwan, sabi ni Lachica.

Ito ay matapos tanungin ni Akbayan Rep. Perci Cendaña ang mga opisyal ng DOH sa pagdinig sa Kamara kung kinikilala na ng gobyerno ang health proxy.

Ginaya ang inisyatiba sa Right to Care card program ng Quezon City noong 2023 na gumagamit ng Special Power of Attorney.

Sinabi rin ni Health Secretary Edwin Mercado na ilalabas ng DOH ang memo na kumikilala sa health proxy “within the year” at ia-align ito sa patakaran ng PhilHealth. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here