Home NATIONWIDE Karagdagang 600 pulis ipakakalat sa BARMM polls

Karagdagang 600 pulis ipakakalat sa BARMM polls

2
0

MANILA, Philippines – Nagtalaga ng karagdagang security personnel para matiyak ang maayos at ligtas na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes, Setyembre 8.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia na ang Philippine National Police Regional Office 12 (PRO-12) ay nagtalaga ng mahigit 600 karagdagang tauhan para suportahan ang paghahanda sa halalan.

Dagdag pa niya, mayroon pang 200 tauhan ang PRO-12 na naka-standby para magsilbing special electoral boards.

Nauna nang sinabi ng Comelec na 9,000 police personnel ang naka-standby para magsilbi sa Bangsamoro elections kung hindi makapaglingkod ang mga guro.

Sa ngayon, isang insidente ang naitala ng Comelec na may kaugnayan sa halalan na kinasasangkutan ng BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua.

Sinabi ni Garcia na naobserbahan ng mga awtoridad ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na lumilipat mula sa isang kampo patungo sa isa pa sa Lanao del Sur, ngunit hindi sila tumuloy, at walang naganap na engkwentro.

Ang mga municipal treasurer sa BARMM noong Martes ay nakatanggap ng mga election materilas, kabilang ang mga balota, automated counting machine (ACM), at mga baterya.

Hinimok ni Garcia ang publiko na obserbahan ang final testing at sealing ng ACMs sa Setyembre 12.

Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan na ang poll body sa Department of Energy at mga electric cooperatives para matiyak ang sapat na supply ng kuryente sa araw ng halalan.

Hinimok din ni Garcia ang mga botante sa BARMM na lumahok sa halalan.

Aniya, inaasahang magaganap ang transmission results ng eleksyon sa pagitan ng 8:30 ng gabi at alas-9 ng gabi sa Setyembre 14, bagama’t maaaring magkaroon ng kaunting pagkaantala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here