Home NATIONWIDE PBBM biyaheng India sa weekend para dumalo sa 18th BRICS Summit

PBBM biyaheng India sa weekend para dumalo sa 18th BRICS Summit

3
0

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sa India sa Setyembre 12-13 upang dumalo sa 18th BRICS Summit, sa imbitasyon ni Indian Prime Minister Narendra Modi.

Ang tema ng BRICS Summit ay “Building for Resilience, Innovation, Cooperation and Sustainability”, pagtugon sa “global economic uncertainties, leverages new digital public infrastructure, at accelerates collective climate action.”

Ayon kay Department of Foreign affairs (DFA) Spoeksperson Analyn Ratonel, ang pagdalo ng Pangulo ay bahagi ng tungkulin ng Pilipinas bilang ASEAN Chair sa taong 2026.

“Through this visit, the President seeks to ensure that our modern partnerships remain open, resilient, and capable of delivering prosperity to our people,” ani Ratonel.

Magkakaroon din aniya ng pagkakataon si Pangulong Marcos na ipaliwanag sa mga miyembro ng BRICS ang mga pangunahing prayoridad ng Pilipinas bilang ASEAN Chair. Ang mga prayoridad na ito ay umiikot sa larangan ng peace and security, people empowerment, at prosperity.

Ang pakikilahok na ito ani Ratonel ay isang strategic opportunity upang subaybayan ang mga emerging economic frameworks at irepresenta mga prayoridad at pananaw ng rehiyon, habang direktang nakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng mga major emerging economies.

Sa kanyang pagbisita, makikipagpulong din ng Pangulong Marcos kay Prime Minister Modi upang pag-usapan ang progreso ng ating Philippines-India Strategic Partnership, suriin ang implementasyon ng ating 5-year plan of action for 2025-2029, at ipagpatuloy ang pagpapalitan ng pananaw tungkol sa ekonomiya na nakakaapekto sa mga mamamayan.

Sa kabilang dako, Base nakuhang impormasyon ni Ratonel, makakasama ng Pangulo sa byahe niyang ito sina Secretary of Foreign Affairs Maria Theresa Lazaro, Secretary of Information and Communications Technology Henry Aguda, at Secretary of Finance Frederick Go.

Samantala, gagamitin naman ng Pangulo ang pagkakataon na ito para i-follow up ang mga pledges at commitments na binanggit ng Indian companies noong nakaraang taon.

“Kung matatandaan niyo po ay bumisita doon si Presidente in August 2025. So ito po ang pag-uusapan nila with the business leaders. Natatandaan natin in-announce ni Presidente yung $5.8 billion made by Indian companies last year covering a wide range of sectors including technology, health, energy, and infrastructure,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here