MANILA, Philippines – Nag-deploy ng mga sasakyan ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan para makapagbigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
Sa ibinahaging impormasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong hapon, Setyembre 9, ang pag-deploy ng mga sasakyan ay alinsunod sa utos ng Pangulo na tiyaking may masasakyan ang mga pasahero at tuloy-tuloy ang kanilang biyahe sa gitna ng masamang panahon.
“Nag-deploy po tayo ng mga vehicle assets ng DOTr para alalayan ang ating mga pasahero. Nagpapasalamat din po tayo sa iba’t ibang government agencies na kasama nating nagbibigay ng libreng sakay. We’ll make sure po na may masasakyan ang ating mga komyuter at hindi maaabala ang kanilang biyahe,” ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez.
Ayon sa PCG, kabilang sa mga ruta ng libreng sakay ngayong Miyerkules ang Divisoria-Monumento; Kalentong-Pasig; Lawton-PITX at vice versa.
Katuwang ng DOTr sa pagbibigay ng libreng sakay ang Office of the President, PCG at Department of Energy. Jocelyn tabangcura-Domenden