MANILA, Philippines – Ipinawalang-bisa ng Korte Suprema ang conviction kay dating First Lady Imelda Marcos sa pitong bilang ng kasong graft.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Rodil Zalameda noong Hunyo 10, 2026 at inilabas lang ngayong araw, Setyembre 9, sinabi ng SC First Division na kulang sa ebidensya ang alegasyon ng financial interest sa pribadong foundation sa Switzerland para siya ay mahatulang may sala.
Dahil dito, naisalba si Marcos sa sentensyang 6 hanggang 11 taon kada bilang at perpetual disqualification sa pampublikong opisina na ipinataw ng Sandiganbayan.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y ginawa ni Marcos noong siya’y gobernador ng Metro Manila at may iba pang posisyon sa gobyerno sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Jocelyn Tabangcura-Domenden