Home HOME BANNER STORY MMC nagpaliwanag sa late class suspensions

MMC nagpaliwanag sa late class suspensions

2
0

MANILA, Philippines — Ipinaliwanag ng Metro Manila Council (MMC) na biglang lumala ang rainfall warning nitong Miyerkoles kaya nahuli ang ilang lokal na pamahalaan sa pagdedeklara ng suspensiyon ng klase.

Kasunod ito ng reklamo ng ilang magulang at estudyanteng nasa paaralan na o bumibiyahe na nang ianunsyo ang suspensiyon dahil sa malakas na ulan at pagbaha.

Sa isang panayam, sinabi ni MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora na magdamag na minonitor ng mga lokal na opisyal ang lagay ng panahon ngunit wala pang rainfall warning at pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila hanggang madaling araw.

Aniya, bandang alas-6:30 ng umaga lamang inilabas ang yellow rainfall warning, kung kailan marami nang estudyante ang nakapasok o nakabiyahe patungo sa paaralan. Itinaas naman sa orange ang rainfall warning bandang alas-8:30 ng umaga.

Nilinaw ni Zamora na hindi awtomatikong nagreresulta sa suspensiyon ng klase ang yellow rainfall warning dahil nakasalalay pa rin ito sa pasya ng LGU. Awtomatiko naman umano ang suspensiyon kapag orange o red rainfall warning.

“Kung alam lang namin na mag-orange rainfall warning as early as last night at kung umuulan naman po last night, talaga mag-suspend naman po kami,” paliwanag niya.

Aminado si Zamora na mahirap tiyempuhan ang pagdedeklara dahil maaaring mabilis na lumakas o huminto ang ulan. Posible rin aniyang batikusin ang mga LGU kapag nagsuspinde kahit gumanda kalaunan ang panahon.

Nanawagan siya ng mas mahusay na teknolohiya at mas tumpak na weather forecasting upang makapagpasya nang mas maaga ang mga lokal na opisyal. Umaasa aniya ang mga lungsod sa datos mula sa PAGASA at Department of Science and Technology dahil wala silang sariling weather forecasting system. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here