MANILA, Philippines — Target ng House of Representatives na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa pagsapit ng Oktubre 9 ang panukalang P7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027.
Sinabi ni House Committee on Appropriations vice chairperson at Surigao del Sur Rep. Romeo Momo Sr. na natapos na noong Setyembre 8 ang pagtalakay ng komite sa mga panukalang badyet ng iba’t ibang ahensya.
Nakatakda namang simulan sa susunod na linggo ang plenary deliberations sa General Appropriations Bill.
“We remain on track to approve the House General General General the House General GeneralSerif General Appropriations Bill, or GAB, on third reading by the end of the legislative calendar on October 9,” ani Momo.
Inihayag din niyang pinag-aaralan ng mga lider ng Kamara ang pagdaragdag sa panukalang P643-bilyong badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon sa mambabatas, kailangan ng karagdagang pondo para matapos ang mga proyektong may malaking epekto sa ekonomiya, kabilang ang farm-to-market roads, national highways, tulay at mga proyektong mag-uugnay sa mga lalawigan at isla.
Hindi naman niya tinukoy kung magkano ang posibleng idagdag sa pondo ng DPWH.
Ginawa ni Momo ang pahayag sa gitna ng mga alegasyon ng iregularidad at kickback sa ilang flood control project. Tiniyak niyang uunahin lamang ang mga kasalukuyang proyekto na nakabatay sa master plan at feasibility study, partikular sa mga lugar na mataas ang panganib sa pagbaha.
Pangalawa ang DPWH sa mga ahensyang may pinakamalaking panukalang badyet para sa 2027, kasunod ng Department of Education na may P976 bilyon. RNT