Home NATIONWIDE Lacson ‘pabor’ sa pag-abroad ni Cayetano: Hayaan munang magpahinga

Lacson ‘pabor’ sa pag-abroad ni Cayetano: Hayaan munang magpahinga

3
0

MANILA, Philippines – Hindi pa isyu sa ngayon ang pagpunta sa ibang bansa ni Sen. Alan Peter Cayetano, at dapat hayaan muna siyang magpahinga mula sa stress at tensyon na siya mismo ang lumikha, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Huwebes.

Taos-pusong hiniling din ni Lacson ang mabuti para kay Cayetano sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan, lalo na kung ang paglalakbay nina Cayetano at ng kanyang asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano ay may kinalaman sa kalusugan o health-related.

“This is not an issue as of the moment. Let’s make him (them) take a break from the stress caused by issues that he himself created. For all we know, Sen Alan and his wife’s trip has something to do with reproductive health, which Singapore is known for. If it is simply health related, I sincerely wish him well despite our animosities,” aniya sa post sa X.

Noong Miyerkules ng gabi, kumalat online ang mga larawan ni Cayetano sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kung saan makikitang nakapila siya para sa isang Singapore Airlines flight.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Office of the Ombudsman si Cayetano kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa pagho-host ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games, kung saan nagsilbi siyang chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Nauna nang nagsumite sina Lacson at ang kanyang tanggapan sa Office of the Ombudsman ng hindi bababa sa 45 case studies na suportado ng mga opisyal na dokumento at naglalahad ng tinawag nilang “systemic anomalies” sa mga flood control infrastructure project sa Taguig City, na political bailiwick ni Cayetano.

Matapos magbigay ng ebidensya si Lacson, naglunsad ang Office of the Ombudsman ng fact-finding investigation kaugnay ng mga alegasyon sa mga proyekto sa Taguig.

Inungkat ni Lacson at ng kanyang team ang iregularidad sa mga proyekto bilang bahagi ng krusada niyang pananagutan ang mga iregularidad sa paggamit ng pondo ng bayan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here