Home NATIONWIDE Tsina nagpakawala ng ‘flares’ sa PCG aircraft sa Kalayaan island group

Tsina nagpakawala ng ‘flares’ sa PCG aircraft sa Kalayaan island group

3
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na ilang flare ang pinakawalan ng People’s Liberation Army (PLA) ng China laban sa isang walang armas na PCG aircraft na nagsasagawa ng maritime domain awareness flight sa Kalayaan Island Group (KIG) nitong linggo.

Ayon sa PCG, hinarang sa radyo ng Chinese forces na nakapuwesto sa Zamora (Subi) Reef ang eroplano bago ito lumapag sa Pag-asa Island noong Setyembre 7. Ganito rin ang ginawa ng Chinese forces sa Panganiban (Mischief) Reef.

Sa dalawang insidente, sinabi ng PCG aircrew sa radyo na labag sa international law ang presensya ng Chinese forces sa mga reclaimed feature.

Samantala, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na hindi maaaring umatras ang Pilipinas sa kabila ng agresyon ng China sa West Philippine Sea.

Nang tanungin kung posibleng lumala ang sitwasyon, sinabi ni Teodoro: “Hindi ko masabi, pero ready for anything naman. Hindi naman tayo puwedeng mag-back down, yun naman ang importante diyan eh.”

“Problema na nila yun. Hindi ba? Problema na nila yun. Eh, I mean, hindi na naman na natin siguro kailangan na sagutin yun, di ba?” dagdag pa niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here