Home METRO Tulong sa pamilya ng mga nasawi, nakaligtas sa nasunog na barko sa...

Tulong sa pamilya ng mga nasawi, nakaligtas sa nasunog na barko sa Coron, ikinasa ng DSWD

1
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng financial assistance, psychosocial support at relief goods sa mga survivor at pamilya ng mga nasawi sa nasunog na MV June Aster sa Coron, Palawan.

Ayon sa DSWD, lima ang patay at 49 ang nakaligtas matapos masunog ang ferry noong Setyembre 9 habang papalapit sa Coron. Sa mga survivor, 40 ang dinala sa mga ospital habang siyam ang nasa evacuation center.

Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang DSWD-Mimaropa na magpadala ng social workers sa mga ospital, tumulong sa hospital bills at burial assistance, at mamahagi ng ready-to-eat food packs.

“We need social workers in the hospitals to handle psychosocial interventions, while also helping with hospital bills, burial assistance for the deceased, and RTEF (ready-to-eat food) distribution for those in hospitals and evacuation centers,” ani Gatchalian.

Sinabi ng DSWD-Mimaropa na nakahanda ang kanilang personnel para dagdagan ang response operations at patuloy na maghatid ng pagkain sa mga pasyente at displaced passengers.

Ang tulong ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad tulungan ang mga apektado ng mga emergency. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here