Home METRO Search and rescue ops isinagawa sa nasunog na barko sa Coron

Search and rescue ops isinagawa sa nasunog na barko sa Coron

3
0

PALAWAN, Philippines – Nagsasagawa ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) at Coron MDRRMO para sa mga nawawalang pasahero ng MV June Aster na nasunog sa dagat noong Miyerkules, Setyembre 9.

May 117 pasahero at 17 crew ang ferry ng Atienza Interisland Ferries nang sumiklab ang apoy, 1.2 nautical miles northeast ng Barangay Marcilla. Naiulat ang insidente bandang 6:45 p.m.

Ayon sa Coast Guard District Palawan, 42 pasahero ang nasagip habang lima ang kumpirmadong patay. Dinala ang mga survivor sa Coron District Hospital at iba pang medical facilities, habang isinuko sa Coron MDRRMO ang mga labi ng nasawi.

Nagpadala rin ang PCG ng mga response team at BRP Suluan upang tumulong sa operasyon. Nagpadala rin ng mga barko ang shipping line mula sa Coron Port.

Ayon kay Mayor Mario Reyes, isang 7-anyos na batang lalaki ang inilipat sa Culion General Hospital.

Hiniling naman ng alkalde sa publiko na bigyang-daan ang search and rescue operations habang patuloy na bineberipika ng mga awtoridad ang iba pang detalye ng insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here