Home NATIONWIDE #WalangPasok: Klase suspendido sa ilang lugar sa Luzon Sept. 11

#WalangPasok: Klase suspendido sa ilang lugar sa Luzon Sept. 11

5
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Biyernes, Setyembre 11, dahil sa patuloy na pagbaha at masamang panahon dulot ng Habagat.

Sa Valenzuela City, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Quezon City, Caloocan City, Navotas City at Malabon City, habang lilipat sa Alternative Delivery Mode ang mga paaralan.

Kabilang rin sa mga nag-anunsyo ng suspensiyon ang ilang lokal na pamahalaan sa Pangasinan, Bulacan, Benguet at Pampanga.

Sa Pangasinan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Dagupan City, Calasiao at Mangatarem.

Sa Bulacan, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Calumpit.

Samantala, day care classes lamang ang suspendido sa Kibungan, Benguet.

Sa Pampanga, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa City of San Fernando at Minalin, habang hinihikayat ang pagpapatupad ng Alternative Delivery Modes.

Wala ring klase sa lahat ng antas sa San Simon, maliban sa Concepcion Integrated School na magsasagawa ng face-to-face classes. Ang suspensiyon doon ay nakatakdang manatili hanggang Setyembre 11.

Sa Sto. Tomas, suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan at lilipat sa Alternative Learning Modes.

Suspendido naman ang face-to-face classes sa Dolores Piring Elementary School, Sto. Domingo Elementary School at Laug Elementary School sa Mexico, Pampanga.

Patuloy na pinapayuhan ang mga mag-aaral at magulang na bantayan ang mga anunsyo ng kani-kanilang LGU at paaralan para sa karagdagang pagbabago sa iskedyul. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here