Home OPINION 15 OIL TANKER INATAKE, $100 PRICE HIKE

15 OIL TANKER INATAKE, $100 PRICE HIKE

1
0

UMAARAY na lahat sa mahal na presyo ng diesel, gasolina at kerosene.

Umaaray dahil itinutulak ng oil price hike ang presyo ng lahat ng bilihin, lalo na ang pagkain, gamit ng mga batang mag-aaral, construction materials at iba pa.

Sa kabila ng napakataas nang presyo ng krudo nitong nakaraang mga linggo at buwan, sa nakalipas nang tatlong araw, lalong tumaas ito sa mahigit nang $100 kada bariles na may karampatang pagtaas naman ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ating bansa.

Heto ang konting pagtanaw sa presyuhan sa krudo sa pandaigdigang merkado.

Noong Agosto 1, 2026, naglaro sa $87 kada bariles ang langis at lumundag ito sa $95.69 noong nitong Setyembre 1 at ngayon nga, nasa $100 na.

Sa darating na linggo, magkano na naman kaya ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa Pinas dahil dito?

Pangunahing dahil sa paglundag ng presyo ng langis ang pag-atake ng United States sa limang oil tanker ng Iran sa Strait of Hormuz at pag-atake rin ng Iran sa 10 barko, karamihan oil tanker na may kaugnayan sa US nitong nakaraang apat na araw lamang.

Lumiit na mula sa dating 20% ang lumalabas sa Persian Gulf na langis sa pamamagitan ng Strait of Hormuz dahil sa giyera ngunit lalong lumiit ito dahil sa pag-atake sa mga oil tanker.

Kaya may kakulangan sa suplay ng langis na siyang nagtutulak ng oil price hike, bukod sa pagsasamantala ng mga oil trader at kompanya ng langis.

Kinikilala mismo ng pamahalaan ang bigat ng problema ngunit wala itong ginagawa para sana mapagaan ang kalagayan ng lahat at ilang sektor lang ang pinapaburan nito gaya ng mga nasa public transportation.

Kaugnay nito, nasaan na ang mga panukalang pag-amyenda sa Oil Deregulation Law, pagsuspinde o pagtapyas sa buwis sa mga produktong petrolyo at value added tax na pawang kontra-oil price hike at makagagaan sa buhay ng lahat?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here