Home NATIONWIDE PCG: Overloading ‘di nakikitang sanhi sa Coron ferry fire

PCG: Overloading ‘di nakikitang sanhi sa Coron ferry fire

3
0

MANILA, Philippines – Hindi nakikita sa ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na overloaded ang nasunog na MV June Aster sa Coron, Palawan, batay sa passenger capacity ng barko at bilang ng mga taong nakalista sa manifest.

Ayon sa PCG, kayang magsakay ng hanggang 333 katao ang barkong pag-aari at pinatatakbo ng Atienza Interisland Ferries, habang 134 lamang ang nakalista sa manifest—117 pasahero at 17 crew members.

Gayunman, sinabi ng PCG na hindi pa rin nila tuluyang isinasantabi ang posibilidad ng overloading at isasama ito sa patuloy na imbestigasyon sa insidente.

Sa ngayon, nakatutok ang Coast Guard sa search and rescue operations para sa mga nawawala na posibleng naiwan sa barko o inanod patungo sa kalapit na mga isla at coastal barangays.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, naanod at sumadsad na ang barko malapit sa isang isla sa Coron.

Nagpalabas na rin umano ang PCG ng radio broadcast at alerto sa mga sasakyang pandagat upang agad ireport kung may mamataang tao o bagay na palutang-lutang sa karagatan na maaaring kaugnay ng insidente. Jocelyn Domenden-Tabancura

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here