Home NATIONWIDE PBBM, First Lady tinangkilik mga produktong lokal na gawa sa bawang

PBBM, First Lady tinangkilik mga produktong lokal na gawa sa bawang

1
0
KONICA MINOLTA DIGITAL CAMERA

MANILA, Philippines – TINANGKILIK nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ang mga produktong gawa sa lokal na bawang bilang suporta sa mga magsasaka ng bawang sa Ilocos Norte.

Personal na tumikim ang Pangulo at Unang Ginang ng iba’t ibang produktong bawang, kabilang ang garlic chips at pickled garlic, sa isang trade fair sa labas ng Ilocandia Cultural Center sa Batac, Ilocos Norte.

Ang mga produkto ay bahagi ng bilateral project ng pamahalaan ng Pilipinas at Taiwan na naglalayong tulungan ang mga magsasaka na mapataas ang produksyon, maproseso ang kanilang ani at makalikha ng mga produktong maaaring ibenta sa merkado.

Ayon kay Taiwan International Cooperation and Development Fund (Taiwan ICDF) Project Manager Eric Chen, layunin ng proyekto na tulungan ang mga garlic farmer mula produksyon hanggang sa marketing at pagbuo ng sariling negosyo.

“This is a bilateral project between the Taiwanese government and the Philippine government. So, we are here to help the farmers, garlic farmers here, from production to marketing, ayon kay Chen.

Kabilang sa mga produktong ipinakita ang garlic chips, garlic kropek, snacks, seasoning, pickles at vinegar.

Binigyang-diin ni Chen na mahalaga ang suporta ni Pangulong Marcos dahil hindi lamang produksyon ng bawang ang tinututukan ng proyekto, kundi pati food safety, processing, marketing at entrepreneurship.

Sinabi ni Chen na ipinapakita rin ng proyekto na kaya ng mga Pilipinong magsasaka na gawing mga produktong pangnegosyo ang kanilang mga ani.

Ang Ilocos Norte ay isa sa pangunahing producer ng bawang sa bansa at tinatayang nagbibigay ng malaking bahagi ng kabuuang produksyon ng bawang sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng proyekto, layunin ng pamahalaan na matulungan ang mga magsasaka na makalipat mula sa pagbebenta ng hilaw na ani tungo sa pagproseso, pagnenegosyo at pagbebenta ng mga produktong may dagdag na halaga. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here