Home NATIONWIDE Wala pang untoward incidents kaugnay sa BARMM polls

Wala pang untoward incidents kaugnay sa BARMM polls

3
0

MANILA, Philippines – Wala pang iniuulat na untoward incidents o reklamo sa ngayon sa gitna ng unang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes, Setyembre 11.

Ayon kay Garcia, mayroon lamang isang naitalang election-related incident simula noong Mayo habang tatlong firearms lamang ang nakumpiska mula sa 23,000 checkpoints sa rehiyon.

Samantala, sinabi ni Garcia na ang Comelec ay hindi pa rin nakakatanggap ng anumang mga reklamo o petisyon na naglalayong i-disqualify ang mga kandidato.

Aniya, kasalukuyang biniberipika ng mga tauhan ng Comelec ang mga balota.

Dagdag pa, 100% maayos lahat ang naipamahaging mga kagamitan.

Ayon sa Comelec, patuloy pa rin ang deployment ng mga tauhan ng PNP, AFP, at nagdadagdag pa sa ibang mga lugar.

Ang Parliament ng BARMM ay may 80 upuan: 40 inilaan sa mga kinatawan ng partido, 32 sa mga kinatawan ng distrito, at walo sa mga sectoral representatives. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here