Home NATIONWIDE NoKor nagpakawala ng projectile patungo sa Sea of Japan

NoKor nagpakawala ng projectile patungo sa Sea of Japan

1
0

NORTH KOREA – Nagpakawala ang North Korea ng hindi pa tukoy na projectile patungo sa Sea of Japan nitong Sabado, Setyembre 12, ayon sa South Korean Defense Ministry.

Ayon sa South Korea Joint Chiefs of Staff (JCS), natukoy nila ang paglulunsad patungo sa East Sea, ngunit wala pang inilabas na iba pang detalye.

Nangyari ang insidente isang araw matapos ang limang araw na joint maritime drills ng South Korea, Estados Unidos at Japan na nakatuon sa pagtugon sa banta mula sa North Korea.

Noong nakaraang buwan, tinuligsa ng Pyongyang ang planong Freedom Edge exercises sa international waters malapit sa South Korea, na tinawag nitong “threat” sa North Korea at iba pang bansa sa rehiyon.

Sa huling missile test ng North Korea noong Agosto 20, nagpakawala ito ng barrage ng missiles patungo sa dagat habang isinasagawa ng South Korea at US ang kanilang taunang Ulchi Freedom Shield military exercises.

Matagal nang kinokondena ng Pyongyang ang joint military exercises ng US at South Korea, na sinasabi nitong paghahanda para sa isang invasion. Kadalasan, nagsasagawa rin ito ng missile launches kasabay ng naturang drills.

Samantala, sinabi ni US President Donald Trump noong Agosto 19 na plano niyang makipagkita muli kay North Korean leader Kim Jong Un bago matapos ang taon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here