Manila, Philippines – Pinag-uusapan ng mga tsismosang kapitbahay ang naging rebelasyon ni James Reid sa isang online vlog.
Sumalang kasi ang singer-actor sa isang challenge.
Aniya, never daw niyang pinagdudahan ang kanyang career at life path.
Kumpiyansa din daw siya sa kanyang ginagawa mapa-musika man o pag-arte.
Katunayan, na-enjoy naman daw niya ang kanyang journey bilang artist.
Sey naman niya, posible raw namang nakapag-send na siya ng message sa maling tao.
Gayunpaman , hindi na raw niya maalala ito.
Never daw naman niyang hinusgahan ang isang tao base sa kanyang playlist.
Aminado naman siya na minsan ay nase-senti siya sa mga kantang kino-compose niya.
Sa tanong naman kung na-in love na siya sa mga awiting kanyang nililikha, aniya, lagi raw naman siyang in love sa mga obrang kanyang ginagawa.
The more na in love raw siya, mas maganda raw ang kinahihinatnan ng kanyang mga komposisyon.
Nang uriratin naman kung alin sa mga awiting nilikha niya ang bet na bet niya, ang songs daw na nagawa niya for the last three years ang masasabing paborito niya.
Espesyal daw ang mga ito lalo na’t ang inspirasyon niya rito ay ang girlfriend niyang si Issa Pressman.
Ito naman ang reaksyon ng kibitzers nang mapag-usapan ang nasabing isyu sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
“Songs he did in the last three years at iyong dedicated niya kay Issa, so burado na si Nadz.”
“What happened doon sa songs na he composed and co-wrote with Nadine in 2019 and 2022, limot na ba?”
“So forgotten na iyong kay Nadz.”
“Actually, malaking part ng kanyang career si Nadine. Otherwise, walang JaDine kung saan siya sumikat.”