MANILA, Philippines – Naglatag na rin ng oil spill booms ang PCG bilang pag-iingat, bagama’t wala namang nakitang bakas ng langis o oil sheen sa karagatan sakop ng Coron, Palawan kung saan nasunog ang MV June Aster.
Sa ngayon, nananatiling humigit-kumulang 54 ang missing sa mga pasahero ng RoRo passenger vessel at patuloy pa rin ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG).
Inaasahan kasing mga napadpad lamang sa kalapit na isla ang iba pang pinaghahanap na pasahero.
Sa ibinahaging update ng PCG ngayong umaga, nasa 43 ang survivors, 35 ang patay na naagdala sa kabuuang 132 na sakay ng barko sa halip na 134 batay sa naunang iniulat na datos.
Ayon sa PCG, ito ay matapos makumpirma na ang dalawang pasahero ay hindi natuloy na sumakay ng barko.
Ngunit paalala ng PCG, na ang nasabing datos ay maaari pang magbago dahil nagpapatuloy pa ang operasyon sa baybayin ng Coron. Jocelyn Tabangcura-Domenden