MANILA, Philippines – Pumasa sa safety checks at hindi overcrowded ang nasunog na MV June Aster, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Inihayag ito ni PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab sa press briefing ngayong Sabado ng umaga, at sinabing 117 pasahero at 17 crew members ang sakay ng barko na may kabuuang 134 indibidwal.
Sa kabila nito na kayang magsakay ang barko ng 333 kapasidad, na higit doble sa nakaitala sa manipesto.
Hindi naman isinasantabi ni Cayabyab ang posibilidad na mas marami ang mga pasahero kaysa sa nakalista, kung gaano karaming tao ang kayang i-accomodate ng barko.
Nang tanungin kung may sapat na mga life jacket ang sakay, sinabi rin ni Cayabyab na mayroon.
Ayon kay Cayabyab, ilan sa mga nakaligtas ang nagsabi na matapos ang pagsabog, may mga pasahero na agad tumalon sa dagat.
Noong June 10, sumailalim pa sa Emergency and Readiness Evaluation test ang MV June Aster, na pumasa naman ito.
Kasama sa pagsubok ang isang firefighting drill.
Pinaghahanap pa rin ng PCG ang kapitan ng barko na kahit unang naiulat ng shipping company na Atienza Interisland Ferries Inc., na buhay.
Samantala, sinabi ng Coast Guard na may pananagutan ang kapitan sa insidente.
Dagdag pa, inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Nagsimula umano ang sunog sa cargo hold ng barko.
Hindi bababa sa 35 na mga indibidwal ang kumpirmadong namatay, na may 54 na iba pa na missing habang 43 ang nakaligtas hanggang sa mga oras na ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden