Home NATIONWIDE Singil ng Meralco sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre

Singil ng Meralco sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre

1
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Manila Electric Co. (Meralco) ng bahagyang pagbaba sa singil sa kuryente ngayong Setyembre.

Sa anunsiyo ng Meralco, nabatid na magpapairal sila ng P0.0409 kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kuryente.

Dahil dito, ang overall rate para sa isang typical household ay magiging P14.7424/kWh na lamang, mula sa dating P14.7833/kWh noong nakaraang buwan.

Nabatid na ang naturang tapyas ay katumbas ng P8 tipid para sa mga tahanang nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan; P12 naman para sa nakakagamit ng 300 kwh kada buwan; P16 para sa kumukonsumo ng 400 kwh kada buwan at P20 para sa mga nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.

Ayon kay Meralco vice president at head of corporate communications Joe Zaldarriaga, ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bunsod ng mas mababang government-imposed tax at mas mababang ancillary service charges. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here